|
MALI VODKA
‘Pag gising sa umaga para lang ‘tong orange juice
Katumbas ‘to ng T-shirt na you always like to use
Kahit pa sa anong bar ‘di mo makukuha ‘yon
Ang pinakamabilis na way na magkaro’n
Ay pumunta ka sa club at pakinggan mo ito
At abangan mong tumaas lumabas ang likido
Wala ‘to sa Hawaii at wala ‘to sa Bahama
Dito lang sa Boracay (do you know why?) Ah! Ah!
So Im’ma kick this while I do this kahit nakapantalon
‘Pag ika’y namantsahan labahan 'to ng sabon
At kapag malabo girl uulit-ulitin ko
‘Pag uminit katawan mo ops bibitinin ko
Chorus:
Mali Vodka! (Aha! Wala 'kong marinig!)
Mali Vodka! (Aha! Hindi ko marinig!)
Mali Vodka! (Aha! Gusto kong marinig!)
Mali Vodka! (Well ibigay sa leeg!)
Ngayon ay clear na clear ngayon alam mo na
Ayoko beer ayoko gin ayoko hard ang gusto ko
MALI VODKA!
Di ito nakakalasing wala ‘to alcohol
Pwede ‘to sa kole’yo lalong lalo High School
‘Pag ika’y nag-iisa starry starry night
Magaan s’yang bitbitin 5’2” lang ang kanyang height
Mapapamahal ka dito kahit s’ya little thing
Tapat siya sa ‘yo at hindi s’ya makiki-fling
I say, “Hey biddle biddle I’ll put you in the middle”
Ang last na tinira walang tigil sa kagi-giggle
Para kang nakakita artista na etanhok
‘Pag natikman mo ‘to ika’y mapapalunok
Tagos agad sa brain at ako’y na-entertain
Lalo na ‘pag binira ‘to sa C.R. ng airplane
(Chorus 2X)
Kaytagal kitang hinanap mahabang panahon
Pero ‘pag nakita kita ooh lala s’ya ngayon
‘Di mo ‘to maiiwasan ito’y inevitable
Pero pwede kang withdraw-hin na parang equitable
Tanggapin mo ang proposal at ‘wag mong maliitin
If I drink you then you drink then
Pag ika’y mapasaakin ‘di kita ilalabas
Sosolohin kita hanggang bumigay ka sa wakas
‘Pag Mali Vodka ayoko sa iba ‘pag Mali Vodka ikaw ang nag-iisa
‘Pag Mali Vodka puso ko ay masaya ‘pag Mali Vodka wala nang hahanapin pa
(Chorus)
|
|
|