|
MAGDALENA
Tingin sayo'y isang putik larawan mo'y nilalait
Magdalena ikaw ay di maintindihan
Ikaw ay isang kapuspalad bigo kapa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral pagkat walang pera
Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini na padpad
Mula noon binansagan kalapating mababa ang lipad
Hinde mo man ito nais ikaw walang magagawa
Pagkat kailangan mo mabuhay sa mundo
Tinitiis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan
Ang pangarap mo maahon sa hirap
Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini na padpad
Mula noon binansagan kalapating mababa ang lipad
Magdalena ikaw ay sawing palad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena ikaw ay sawing palad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena
Magdalena
Magdalena
Ibig monang magbago at mamuhay na ng tahimik
Ngnit ang mundo'y sadyang napakalupit
Hangan kailan maghihintay, Hangan kailan magtitiis
Ang dalangin mo'y kailan maririnig
Magdalena ikaw ay sawing palad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena ikaw ay sawing palad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena
Magdalena
Magdalena
(Repeat 3rd stanza & Chorus)
|
|
|