|
MAARI BANG MAG TANONG?
Sino ang may alam na tama ang kanyang landas na tinatahak
Ito ay magandang bukas na kapalaran sa bawat araw na dumaraan
Sunod sa agos, hindi alam patutunguhan
Na sa huli, lagi ang ating pagsisisi
Na kung minsan, tayo ang nagkukubli
Bakit nga ba ang iba'y naghahangad ng sobra-sobra
Pangako ay nilalantad
Sa 'king paglalahad, ako nga ba'y nananaginip
Ito ay totoo o isang kathang isip
Sa pag-idlip, nawa'y ako magising
At maialis, mga mata sa pagkapiring
Sa pagdating ng tamang panahon
Handang lisanin, ngayon, bukas at ang kahapon
Refrain:
Hanggang kailan
Hanggang saan pa ba susulong
Maari bang malaman
Maari bang magtanong
Chorus:
Marami bang nakalaan
Para sa tulad ko
Gusto kong malaman
Maari bang magtanong (4x)
(i know what's wrong and I know what's right
And I kiss you tonight if i'll die tonight
I know what's wrong and I know what's right
And i'll give it all if i'll die tonight)
Bawat araw na dumaraan
Halos wala pa ring pinag-iba
Prinsipyo mo'y prinsipyo ko
Ang buhay ko ay buhay mo
Pilit pa ring kinukubli
Kahit man lang sa mga ngiti
Ikaw lang at walang iba
Na hihigit sa 'yo, diyos ama
|
Mayron pa bang iba na dapat natin na lapitan
Sa sitwasyong gumugulo ng isipan
Makasandal nga naman
Wag na wag kang mangamba
Basta kumapit ka, manalig ka
Hindi ko sinasabi na mayrong himala
Magdasal ka ng mabuti at ikaw ay maniwala
Di 'to panukala ng hilig kong tagapag-panukala
Hindi rin sine, o isang pelikula
Ito ay hango sa serye ng mga buhay
Na kung minsan, sa buhay natin nakahanay
Anumang mangyari, basta tayo ay magkumpare
Tagay mo na, tulad pa rin ng dati
Ilan bang bote na dapat natin na maubos
Bago tayo ay tuluyang mag-ayos
(refrain)
(chorus)
Kaysarap ng buhay
Lalo kung walang problema
Puno ng saya
Tawanang walang hangganan
Ngunit paano na kung oras mo na
Wala ka nang magagawa pagkat kailangan ka na
Naririnig mo ba ang pagtawag niya
Ikaw na nga ba 'yan, o aking ama
Kung meron pang sandali na nalalabi
Ito na nga ang aking minimithi
Ang una kong gagawin ay aking hahagkan
Mga mahal ko sa buhay, babalikan
Ang aking asawa at aking mga anak
Nang nakita mo, ang luha ay pumapatak
Aking armada, aking mga kasama
Hanggang sa muli, tayo ay tatamasa
(refrain)
(chorus)
(heaven, oh heaven
Heaven, oh heaven (4x))
|
|