Browse Songs Alphabeticaly :

KUNG IKAW LANG SANA

Mula nang makilala kita
Ang buhay ko'y biglang nagbago na
Di tulad ng kahapong wala ka pa
Ngayon ang lahat ay ibang-iba

At kung sakaling mapansin mo
Ang tanging ninanais ng puso ko
Hindi man makayang sabihin sa'yo
Damdamin ko'y (binihag/nabihag) mo

REFRAIN:
Kung ikaw lang sana
Ang laging makapiling ko
Kung ikaw lang sana
Ang siyang maging pag-ibig ko

Wala nang iba pang mamahalin
Pagkat ikaw lamang ang iibigin
Wala nang iba
Kung ikaw lang sana

Ang kulay ng mundo'y nag-iba
Lalo na kung laging kasama ka
Lahat ng tanawi'y gumaganda
Bawat sandali ay anong saya

At kung sakaling mapansin mo
Ang tanging ninanais ng puso ko
Hindi man makayang sabihin sa'yo
Damdamin ko'y (binihag/nabihag) mo

REFRAIN:
Kung ikaw lang sana
Ang laging makapiling ko
Kung ikaw lang sana
Ang siyang maging pag-ibig ko
Kung ikaw lang sana
Ang laging makapiling ko
Kung ikaw lang sana
Ang siyang maging pag-ibig ko

Wala nang iba pang mamahalin
Pagkat ikaw lamang ang iibigin
Wala nang iba
Kung ikaw lang sana

Kung ikaw lang sana...
3:53 PM


 

 

 
  • Links:!
  • Link Parntners!