|
KITAY MAGTATAGPO
Kay layo nating dal’wa, lagi’t-lagi kang
ala-ala. Minsan sa aking panaginip, doon lang kita nakakaniig.
REFRAIN
Ang mga sulat mo’y lagi kong tangan-tangan
Sa poon ay dasal ‘di ka pababayaan.
Ako’y naririto magkalayo man tayo.
Handang maghintay sa ‘yo.
Magkalayo man ang ating mundo,
Ikaw ang laging nasa aking puso.
Tulad ng awit ng ating pag-ibig
Sa tuwi-twina ay naririnig.
REFRAIN II
Ang mga sulat mo’y lagi kong tangan-tangan.
Sa poon ay dasal ‘di ka pababayaan.
Ako’y naririto magkalayo man tayo
Sa ating mundo kita’y matatagpo.
|
|
|