|
JAM
Kevin:
Hirap umawit mag-isa
Ang kasabay lumang gitara
Parang walang saysay ang kilos ko sa mundo.
Cookie:
Pero ang kinabukasan mo
Tungkulin ba nang ibang tao
Maghanap nang intablado mo’t kalaro
Wag ipagmasdan ang pangyayari
Gumana’t gumalaw
Lamang sa init nang damdamin
Sabay sabay nang sumigaw
Chorus:
Kilos kabataan, oras natin to makialam makijam, makilahok
Kilos kabataan buhay natin to
Ang mundong dinatnan tayo mag patakbo… maki jam ka pare ko!
Kevin:
Gusto ko mang maki-isa sa paglutas nang mga problema
Anong magagawa nang isang katulad ko
Cookie:
Pero ang kinabukasan mo
Tungkulin ba nang ilang tao
Makibahagi sa bagahe nang mundo
Wag ipagmasdan ang pangyayari
Gumana’t gumalaw
Lamang sa init nang damdamin
Sabay sabay nang sumigaw
(chorus)
Matotong kang makisaya
Ang mundo may magka-iba
Sabay sabay kung mag ingay makilahok magpakilala.
|
|
|