Browse Songs Alphabeticaly :

IKAW LAMANG -men oppose

Ikaw lamang at wala nang ibang iibigin
Puso ko’y bihag mo at iyong alipin
Laging nangangamba
Na sa aking paggising ay wala kana

Dapat siguro ay masanay ako
Na wala ka dito sa piling ko
Upang ‘di ka na hanap-hanapin pa
Kung sakaling ako’y tuluyan nang iwanan mo

Ngunit bakit, bakit nga ba ganoon
Kahit pilitin na ika’y limutin
Ay hindi pa rin makakayang tiisin
Ikaw pa rin talaga’ng nilalaman ng isipan

Ikaw pa rin ang laging iibigin
Ikaw pa rin ang laging iisipin
Wala nang iba pang mahal para sa ‘kin
Kundi ikaw lang


 

 

 
  • Links:!
  • Link Parntners!