|
DI MO LANG ALAM
'Di ako makatulog na hindi ka pinangarap,
ikaw ang laging nasa isipan.
at akala ko minsan ika'y aking niyayakap,
sa pag dilat ko ay unan lang.
paano ko sasabihin sa'yo,
ang tunay na layunin ng puso ko...
'Di mo lang alam,
ikaw tanging buhay ko.
Kung alam mo lang,
ikaw lang ang iniibig ko (2x)
Tuwing ako'y napapalingon isa lang ang aking hangarin,
ikaw ang laging nasa isipan.
At ang akala ko minsa'y kaway mo para sa akin,
'yon pala para sayo'ng kaibigan lang...
paano ko sasabihin sa'yo,
ang tunay na layunin ng puso ko...
'Di mo lang alam,
ikaw tanging buhay ko.
Kung alam mo lang,
ikaw lang ang iniibig ko (2x)
Hanggang kailan ako maghihintay,
ohh sana'y, wag habang buhay.
wag na mag duda,
ikaw ang nag-iisang sinta...
at kung akala mo hindi kita mahal,
ikaw na ang nanatili...
paano ko sasabihin sa'yo,
ang tunay na layunin ng puso ko...
(repeat chorus and refrain till the end)
|
|
|